DOLE, patuloy na nakikipag-ugnayan sa DFA para sa repatriation ng 13 Filipino seafarers na nanatiling stranded sa Xiamen, China

Puspusan ang ugnayan ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mapauwi na rin ang natitira pang 13 Filipino seafarers na stranded sa Xiamen, China.

Ang naturang seafarers ay kabilang sa 29 na Pinoy crew ng FB Hangnon na inabandona ng kanilang operator.

Ayon kay DOLE Spokesman Rolly Francia, dahil walang POLO sa China ang DFA ang nakikipag-ugnayan sa kanilang counterpart sa China para mapauwi na rin ang naturang seafarers.


Kaugnay nito, nilagay na ng POEA sa blacklist ang operator ng FB Hangnon at sinuspinde na rin ang manning agency na kumuha sa serbisyo ng 29 na Filipino seafarers.

Facebook Comments