Sinisilip na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-exempt ang mga nurse na nakumpleto ang kanilang requirements mula nitong August 31 mula sa overseas deployment ban para sa healthcare workers.
Nabatid na ipinatupad ng pamahalaan ang temporary suspension ng overseas deployment ng medical and allied health workers dahil sa COVID-19 pandemic.
Tanging mga returning workers na may Overseas Employment Certificate (OEC) exemption certificates, mga bagong hire na may kontrata bago ang March 8 at mayroong OECs at seafarers na dating na-hire bilang doctor at nurse at mga ide-deploy sa kaparehas na licensed manning agency ay papayagang umalis ng bansa para sa kanilang overseas employment.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inirekomenda nila na ang extension ay hindi lamang para sa mga nakapag-kumpleto ng kanilang mga dokumento mula noong Marso pero pati na rin ang mga natapos mula nitong August 31.
Nakabinbin ang petisyong ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at kapag naaprubahan ito ay nasa 1,200 nurses ang inaasahang papayagang mag-abroad.