Naglabas ang Department of Labor and Employent (DOLE) ng kautusan kung saan inaatasan ang contractor at sub-contractors ng Skyway Extension Project na magbayad ng kaukulang multa.
Ito ay may kaugnayan sa aksidenteng nangyari noong November 21, 2020 sa northbound section sa bahagi ng Muntinlupa City kung saan isang steel girder ang bumagsak at isang motorista ang namatay.
Ang DOLE National Capital Region ay pinapatawan ng multa ang contractor na EEI Corporation, at ang subcontractors nito na Mayon Machinery Rentrade Inc. at Bauer Foundation Philippines Inc.dahil sa hindi pagsunod sa occupational safety and health standards (OSH).
Aabot sa kabuoang ₱170,000 na administrative fine ang kailangan nilang bayaran sa bawat paglabag.
Samantala, sinabi ni DOLE Spokesperson Rolly Francia na ang Work Stoppage Order (WSO) na inisyu noong nakaraang buwan laban sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ng proyekto ay mananatiling epektibo.