DOLE, pursigido sa apela na bawiin ang travel ban sa Taiwan

Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III maging siya ay nababahala sa epekto sa Overseas Filipino Workers (OFW) ng travel ban sa Taiwan.

Ayon kay Bello, hiniling na nya sa Department of Health (DOH) na bawiin na ang travel ban sa mga paalis na OFW.

Kaya apila ng kalihim sa mga apektado ng travel ban konting pasensya dahil gumagawa na ng hakbang ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil rito.


Ayon sa kalihim, ang mga OFW na myembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at apektado ng ban ay tatanggap ng 10 libong pisong financial assistance.

Umaasa ang kalihim na positibo ang magiging resulta ng hiling nila na pagbawi sa travel ban sa Taiwan.

Maliban sa financial support, ang mga stranded na OFWs maaari ring tulungan ng OWWA sa accommodation, food at transportation.

Facebook Comments