DOLE REGION 1, BALIK INSPEKSYON SA MGA KOMPANYA

Balik Inspeksyon ang kagawaran ng Department of Labor and Employment Region 1 sa mga establisyimento sa rehiyon upang masigurong sumusunod ang mga ito sa mga ipinatutupad na batas.
Ngayong taon ang target na mainspeksyon ay 2, 280 na establisyimento.
Ayon kay DOLE Regional Director Evelyn Ramos, nasa 10 labor inspectors ang nag-iikot ngayon sa Ilocos Sur at Ilocos Norte kung saan target ang 800 establisyimento na mainspeksyon.
Karaniwang sinisilip ng kagawaran ang pagsunod sa general labor standards at pagtalima sa mga benepisyo. Kabilang din sa inspeksyon ang pagtalima ng mga ito sa occupational safety and health standards.

Sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre isusunod ng ahensya ang pag-iinspeksyon sa La Union, Western Pangasinan at Eastern Pangasinan.
Noong nakaraang taon, naabot ng DOLE ang 205% performance rate sa inspeksyon ng mga establisyimento na nasa 60, 891. | ifmnews
Facebook Comments