Nagpaalala ang Department of Labor and Employment Region 1 sa publiko ukol sa mga kompanyang hindi accredited na magsagawa ng Basic Occupational Safety Standard o BOSH at Construction Occupational Safety and Health o COSH matapos makatanggap ang ilang establisyimento at kompanya ng mensahe sa mga social media accounts na nanghihikayat na magparehistro sa nasabing training.
Sa mensahe na ipinadala sa Ifm Dagupan ng DOLE Region 1 dapat umanong magpa accredit sa kanilang ahensya ang mga nasabing training centers bago magsagawa ng kaukulang training.
Magiging invalid umano ang mga certificate ng mga sasailalim sa nasabing training kung ito ay hindi accredited ng DOLE.
Samantala, sa mga nais sumailalim sa BOSH AT COSH ay pinapayuhan na makipag ugnayan sa pinakamalapit na DOLE Office.
DOLE Region 1 nagpaalala sa publiko ukol sa mga kompanyang hindi accredited na magsagawa ng training ng BOSH at COSH
Facebook Comments