DOLE Region 2, Iinspeksyunin ang mga Establisyimento kaugnay sa Labor at Health Standard

Cauayan City, Isabela-Inatasan ni DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ang lahat ng Labor Inspector na magsagawa ng inspeksyon sa mga establisyimento sa lambak ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Assistant Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa Tipon-Tipan sa PIA.

Ayon sa opisyal, ilan sa mga ipinag-utos ng kalihim ang pagsasagawa ng routine, complaint, occupational safety and health standard investigation and special inspection sa lahat ng establisyimento hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre 2022 maliban nalang kung babawiin ng maaga ang kautusan.

Nakapaloob aniya sa Administrative Order ng kalihim ang pagbibigay ng awtorisasyon sa lahat ng inspector na magsasagawa ng inspeksyon sa mga establisyimento kung nasusunod ang compliance sa labor standard gayundin ang occupational safety and health standard.

Naghahanda na rin ang mga labor inspector sa pagsisimula ng kanilang trabaho na inspeksyunin ang mga establisyimento.

Matatandaan noong taong 2021, umabot sa 434 mula sa target na 4,005 ang kabuuang establisyimento na nainspeksyon o katumbas ng 101.87% accomplishment rate.

Iginiit pa ni Atal na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang regular inspection lalo na kung may mga reklamo sa mga panahon ng pandemya.

Facebook Comments