Post-COVID world, pangunahing tatalakayin sa nakatakdang pulong nina DFA Sec. Locsin at ng Indian prime minister

Nakatakdang dumating sa bansa ang Indian Foreign Minister.

Pangunahing tatalakayin nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr. at Indian counterpart, Minister of External Affairs, Dr. Subrahmanyam Jaishankar ang hinggil sa post-COVID world

Tatalakayin din ng dalawang opisyal ang hinggil sa lalo pang pagpapalakas ng alyansa ng India at Pilipinas; gayundin ang usapin sa kalusugan, seguridad at ilang regional at global matters.


Nakatakda ang working visit sa bansa ni Minister Jaishankar sa Pebrero 13-15,2022.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita sa Pilipinas si Minister Jaishankar.

Facebook Comments