Nakatanggap ng iba’t ibang tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 02 ang nasa 439 na benepisaryo sa probinsya ng Cagayan na binubuo ng mga Person Deprived Liberty (PDL), mga bata na naulila ng maaga, at mga miyembro ng Muslim Community.
Kabilang sa mga nasabing benepisyaryo ang nasa 150 child laborers mula Solana, 24 na mga bata sa Reception and Study Center for Children (RSCC), 215 Persons Deprived of Liberty o PDL mula naman sa Cagayan Provincial Jail, at 50 na miyembro ng Muslim community sa Tuguegarao City.
Ang ilan sa mga naipamahagi sa mga benepisyaryo ay mga school supplies na mula sa “Project Angel Tree”, grocery package, tsinelas, at medical supplies at hygienic items.
Pinulong na rin ng kagawaran ang Muslim community at mga PDL para sa posibleng tulong na maaari pang maiabot sa nasabing sektor.
Katuwang ng DOLE R02 sa paghahatid at pagbibigay ng mga tulong ang Department of Health R02 at Junior Chamber International (JCI) Tuguegarao Ybanag Chapter.
Facebook Comments