PROYEKTONG PANGKABATAAN, MATAGUMPAY NA INILUNSAD NG TUMAUINI PS

Matagumpay na inilunsad ng Tumauini Police ang kanilang proyekto kamakailan lamang na may temang “Kapulisan sa Mata ng Kabataan” sa Tumauini Community Center, Brgy District 2, Tumauini Isabela.

Ang nasabing proyekto ng kapulisan ay may layuning mas mapagtibay ang ugnayang pulisya at komunidad lalong lalo na ang mga kabataan na siyang madalas biktima ng mga makakaliwang grupo.

Naka sentro ang aktibidad sa Writing Contest na kung saan ang mga lumahok na high school students mula sa iba’t-ibang paaralan ng Tumauini ay nagpakitang gilas sa larangan ng Essay writing, Photo caption at Story telling.

Samantala, itinanghal bilang kampeon ang Lalaunan High School sa nasabing patimpalak habang 1st runner-up naman ang Fermeldy National High School at 2nd runner-up naman ang Advance Montesorri Educational Center Isabela.

Facebook Comments