DOLE, sinuspinde ang ilang Labor Inspection Activities  

Sinuspinde ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang ilang Labor Inspection Activities.

Layunin nito na mai-dispose ang lahat ng nakabinbing labor standard cases at bilang paghahanda sa Inspection Program sa susunod na taon.

Exempted mula sa suspensyon ang mga Complaint Inspection, Occupational Safety and Health Standard Investigation, Technical Safety Inspections, at inspeksyon sa anumang establisyimento o industry na may direktiba mula sa Labor Secretary.


Sa loob ng Suspension Period, ang lahat ng Regional Director ay dapat tiyakin na ang lahat ng resulta ng Inspection Activities ay naka-upload sa Management Information System (MIS) bago ang katapusan ng Disyembre.

Mula nitong Setyembre, higit 57,000 establishment sakop ang 2.3 Million na manggagawa ang nainspeksyon na ng mga Labor Inspector.

Facebook Comments