Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang suhestyong bakunahan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) gamit ang single-dose ng COVID-19 vaccines.
Nabatid na ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccines ay nangangailangan lamang ng single dose.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, makakatulong ito na mapabilis ang deployment ng mga OFWs.
Sinabi ni Bello, na hindi na kailangang kumuha ng swab test at sumailalim sa quarantine.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na target ng Pilipinas na makakuha ng 10 million doses ng J&J vaccines na may emergency use authorization (EUA) na mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Facebook Comments