Wanted na drug personality sa Makati City, nasakote

19

Nalambat ng warrant and subpoena Unit ng Makati Police ang isang lalakeng wanted dahil sa kinakaharap na kasong kaugnay sa iligal na droga.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ng mga otoridad ang akusadong kinilalang si Noel Pagulayan, 42-anyos.


Natunton ng mga tauhan ng Makati Police si Pagulayan sa Barangay Cembo ng naturang lungsod.

Nasa kustodiya na ng Makati City Police ang salarin at ibabalik sa court of origin para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments