DOLE, tuloy ang pamamahagi ng cash aid sa mga displaced at poorest grassroots workers na apektado ng COVID-19

Naglabas pa ng P16 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para ipamigay sa mga displaced workers at mga mahihirap sa Region 6.

Ang cash aid ay bahagi ng Bayanihan 1 program ng pamahalaan na laan sa marginalized sectors na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOLE, bawat sugarcane workers sa rehiyon na nagtatrabaho sa sugar mills at cane fields ay tatanggap ng tig-P1,000.


Ayon kay Mary Agnes Capigon, Head ng DOLE’s Provincial Field Office, kabilang sa mga benepisyaryo ng emergency subsidy program ay mula sa Bacolod City, Talisay City, Silay City, Victorias City, Cadiz City, Sagay City, San Carlos City, Bago City, La Carlota City, Kabankalan City at Sipalay City.

Gayundin mula sa munisipalidad ng E.B. Magalona, Murcia, Valladolid, Pontevedra, Binalbagan, Manapla at Ilog.

Nagsimula ang pamamahagi ng tulong pinansiyal noong buwan ng Mayo at magpapatuloy pa ito hanggang sa makumpletong mabigyan ang mga benepisyaryo.

Facebook Comments