Cauayan City – Natanggap na ng mga benipesyaryo mula sa Cagayan ang kanilang sahod sa TUPAD mula sa Department of Labor and Employment.
Umabot sa P19,949,250 ang kabuuang halaga ng naipamahaging sahod sa 4,286 na mga indibidwal.
Kabilang sa mga benipesyaryo ay mula sa bayan ng Aparri, Buguey, Camalaniugan, Sta. Ana, Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Praxedes, Claveria, Allacapan, Alcala, Sto. Niño, Rizal, at Baggao, Cagayan.
Ang natanggap na sahod ng mga ito ay kapalit ng kanilang sampung araw na paglilinis at pag-aayos sa mga pampublikong pasilidad sa kani-kanilang mga barangay.
Samantala, ayon kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr., na tuloy-tuloy ang ibibigay nilang suporta at tulong sa mga mamamayan na nangangailangan.
Facebook Comments