DOLE TUPAD PROGRAM NAMAHAGI NG TULONG SA 420 BENEPISYARYO SA SAN QUINTIN

SAN QUINTIN, PANGASINAN – Matagumpay na naisagawa ng Department of Labor and Employment Region ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng kanilang programang TUPAD para sa apat na daan at dalawampung benepisyaryo sa San Quintin.

Ang programang ito ay naglalayong maabot ang mga indibidwal na naapektuhan ang paghahanapbuhay bunsod ng pandemya na dulot ng COVID-19 virus.

Sa pamamagitan nito ay mamimigay ang ahensya ng trabaho para sa mga Disadvantage at Displaced workers.


Magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa loob ng labing limang araw at makakatanggap ng 340 pesos na kabayaran sa bawat apat na oras ng pagtatrabaho.

Samantala, may nakalaan ding 100,000 pesos kada benepisyaryo na sakop ng Accidental health insurance

Facebook Comments