Suspek sa pagbebenta ng stickers ng government agencies, naaresto ng NBI

29

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force ang suspek sa iligal na pagbebenta ng government agency stickers

Kinilala ang suspek na si Leon Cruz III kung saan nadakip ito matapos na magpanggap na poser buyer ang asset ng NBI.


Si Cruz ay isinailalim din muna sa surveillance ng NBI bago natunton ang address nito sa Bambang, Taguig City.

Kabilang sa mga stickers na binebenta ng suspek ay Presidential Seal, NBI Seal, gayundin ang Bureau of Customs at Philippine Coast Guard.

Facebook Comments