DOLE, umaasang magpapasa ng batas ang 19th Congress na layong pagtibayin ang karapatan ng mga manggagawa sa informal sector

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpapasa ang susunod na kongreso ng panukalang magpapatibay sa karapatan ng mga manggagawa sa informal sector.

Sabi ni DOLE Bureau of Workers with Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, ito ay matapos na mabigo ang 18th Congress na ipasa ang Magna Carta of Workers in the Informal Economy.

Aniya, layon sana nito na matugunan ang mga hinaing ng informal workers sa pagbibigay sa kanila ng social protection at seguridad sa pinagtatrabahuhan.


Ayon pa kay Trayvilla, nasa mahigit 17 million ang mga nasa informal sector o katumbas ng 36.4 percent ng kabuuang manggagawa sa bansa.

Facebook Comments