Umaapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya na palawigin ang employment ng kanilang mga manggagawa.
Ito ay kasabay ng planong pagsasara ng ilang establisyimento o pagtatanggal ng mga empleyado sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, may ilang establisyimento na nag-abiso sa kanila na magpapatupad lamang ng flexible working arrangement o kaya ay temporary closure ay nagbabadyang tuluyang magsara.
Sinabi ni Tutay na tinatalakay na sa Kongreso ang economic recovery packages para sa mga empleyadong apektado ng COVID-19.
Mayroon din silang ₱51 billion aid package para sa middle class workers na nagtatrabaho sa mga maliliit na negosyo o kumpanya.
Sa ngayon, nakapagbigay na ang DOLE ng aabot sa ₱441 million na halaga ng cash assistance sa mga empleyado sa iba’t ibang bahagi ng bansa na hindi makapasok sa trabaho bunsod ng ipinapatupad na quarantine measures ng pamahalaan.