Pangulong Duterte, tiwalang mauuna ang China na makabuo ng bakuna laban sa COVID-19

Buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang China ang isa sa mga mauunang bansa na makakadiskubre ng bakuna para sa COVID-19.

Sa televised address, sigurado si Pangulong Duterte na mabilis na makakatuklas ang China ng panlaban sa virus.

Sinabi ng pangulo na posibleng maging available na ang bakuna sa Setyembre.


Pero habang wala pang bakuna, muling umapela si Pangulong Duterte sa publiko na sundin ang health precautions tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Bago ito, binanggit din ni Pangulong Duterte ang bakuna na kasalukuyang dine-develop ng American Biotech Company na Moderna na napaulat na nagkaroon ng positibong resulta sa kanilang clinical tests.

Facebook Comments