Dolomite beach, maaring manatiling bukas kung may proper crowd management

Para kay Senator Francis Tolentino, pwedeng panatilihing bukas sa publiko ang Dolomite beach sa Manila Bay.

Pero giit ni Tolentino dapat ay magpatupad dito ng proper crowd management o wastong patakaran sa mga bibisita para hindi maging daan ng pagkalat ng COVID-19.

Giit ni Tolentino, pangunahing dapat ikonsidera ang carrying capacity o kapasidad ng Dolomite beach.


Sabi ni Tolentino ito ay para madetermina ang limitadong bilang ng mga taong maaring papasukin sa Dolomite beach at dapat ay limitado lang din ang oras na kanilang ilalagi sa lugar.

Facebook Comments