‘Dolomite beach’ sa Maynila, binuksan sa publiko

Sorpresang binuksan sa publiko ang binansagang ‘dolomite beach’ sa Baywalk sa Maynila kaninang umaga.

Binuksan ito sa ilalim ng limitadong kapasidad kung saan kada bisita ay mayroon lamang limang minuto para mamasyal.

Dapat ay nakasuot din sila ng face mask at face shield.


Bawal din ang paglangoy sa dagat, pagkain, paninigarilyo at pagkakalat ng basura.

May mga pulis at tauhan ng Department of Environment and Natural Resounces ang nakakalat sa lugar para matiyak na nasusunod ang health protocols.

Posibleng hanggang mamayang alas-3:00 ng hapon lamang maging buksan ang beach sa publiko.

Facebook Comments