Domestic Air Travel, pinayagan ng IATF ayon kay DOTr Sec. Tugade

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang domestic commercial operations.

Ayon kay Tugade, ito ay para lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), batay sa kautusang inilabas ni IATF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez.

Pero aniya, ito ay subject for approval ng mga Local Government Units (LGUs).


Paliwanag niya, ang LGU ay gagawa ng mga panuntunan na alinsunod sa health guidelines and protocols ng Department of Health (DOH) at IATF, at ito ay pag-uusapan at pagkakasunduan ng LGUS, Aviation Authority, IATF at DOTr.

Aniya, kabilang sa mga panuntunan na ibabalangkas ng mga LGU ay ang pagdating at paglapag ng mga eroplano, pagbaba at paglabas ng mga pasahero mula sa eroplano, at paglabas ng mga pasahero mula sa airport terminals.

Maliban sa Metro Manila, ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Pangasinan, Albay, at Davao City ay ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim na ng GCQ.

Matatandaang pansamantalang sinuspinde ang domestic flights nang ipatupad sa buong Luzon ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at nagpatuloy ito hanggang sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Facebook Comments