Balik operasyon na ngayong araw ang domestic at commercial flights.
Kasunod na rin ito ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pahintulutan na ang pagbabalik ng domestic flights sa bansa para sa mga uuwi sa kanilang probinsya matapos ma-stranded sa Metro Manila dahil sa Enchanced Communitiy Quarantine (ECQ).
Sa interview ng RMN Manila kay Cebu Pacific Spokesperson and Corporate Communications Director Charo Logarta-Lagamon, simula kaninang alas 11:00 ng umaga, bukas na ang kanilang biyahe mula Manila-General Santos City-Manila, Manila-Naga-Manila, at Manila-Cagayan De Oro-Manila.
Ayon kay Logarta- Lagamon, nakikipag-ugnayan na rin sila sa IATF at ibat ibang Local Government Unit para mabuksan na rin ang ibang ruta na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Bukod sa Cebu Pacific, balik operasyon na rin ang iba pang mga airlines company.
Paalala ng mga ito sa kanilang mga pasahero, bago magbook ng flights ay siguraduhing nasa ilalim ng GCQ ang mga lugar na pupuntahan upang hindi makaproblema.