Pagtutuunan ng Department of Tourism (DOT) para maibalik muli ang tiwala at kumpiyansa ng travel market para sa 2021
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, palalakasin nila ang lokal na turismo sa susunod na taon lalo na at ang industriya ang backbone ng maraming local economies.
Sinabi ni Puyat na dadalo siya sa paglulunsad ng Ridge to Reef Program ngayong araw, kung saan bubuksan ang turismo sa pagitan ng Baguio City at Ilocos Region.
Aniya, ang Baguio City at Ilocos Region ang dalawang halimbawa ng komunidad na nakadepende sa turismo para sa trabaho at kabuhayan.
“The country’s summer capital and Region 1 have been designated as pilot areas for the gradual reopening of tourism with a maximum of 200 visitors per day. Residents of the region will be allowed to visit Baguio, subject to the minimum health standards set by the Department of Health (DOH). Restarting tourism is our priority. Kailangan pong magkaroon na ng mga trabaho ang mga nawalan ng trabaho,” sabi ni Romulo-Puyat.
Kasabay ng unti-unting pagbubukas ng Summer Capital ng Pilipinas, ang DOT sa pamamagitan ng Tourism Promotions Boards ay handang pondohan ang mga proyekto kabilang ang V.I.S.I.T.A. o Visitors Information and Tourist Assistance app para makontrol ang pagdating ng mga turista sa lungsod.