Domesticated animals, pinapayagan pang makasakay sa MRT-3

Pinahihintulutan ng pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ang pagsasakay ng mga domesticated animals.

Ito ang nilinaw ng MRT-3 sang-ayon sa mga panuntunan ng pamunuan ng rail line.

Kinakailangan na nakasuot ng diaper ang mga alagang hayop gaya ng aso at pusa at nakalagay sa enclosed pet carrier.


Isang alagang hayop lamang kada pasahero ang maaaring isakay sa MRT-3.

Hindi rin maaaring pakainin ang hayop sa biyahe at hindi ito dapat na umukopa ng upuang nakalaan para sa ibang pasahero.

Kailangan ding punan ng mga pet owners ang isang waiver form na nagsasaad na walang anumang pananagutan ang MRT-3 sa anumang pagkawala o pinsala na dulot ng pagsakay ng alagang hayop sa tren.

Facebook Comments