Manila, Philippines – Makakaranas ng pagka antala ng byahe ang mga pasahero ng Cebu Pacific ngayong araw.
Ayon kay Charo Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific kaninang umaga kasi nagkaroon ng 45min delayed sa biyahe ng kanilang eroplano bunsod ng pagkakaroon ng problema o delay sa kanilang flight plans.
Kaugnay nito, magsusunod-sunod na ang pagka antala ng biyahe ng Cebu pacific ngayong araw dahil sa tinatawag na domino effect.
Sa ngayon, ginagawan na ng paraan ng airline company para mabawasan ang delayed flights lalo pa’t marami na sa ating mga kababayan ang nagsisipag uwian sa kani-kanilang mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.
Humihingi naman ng paumanhin at pang unawa ang Cebu Pacific sa mga maaapektuhang mga pasahero.
Facebook Comments