DONALD TRUMP, HINATULANG GUILTY SA 34-CHARGES NG HUSH-MONEY CASE

CAUAYAN CITY – Hinatulang guilty sa 34 na kaso ng pamemeke ng dokumento si Former US President Donald Trump matapos itong mapatunayang nagbayad para patahimikin ang isang adult-video star bago ang 2016 elections.

Si Trump ang naging unang dating presidente ng Amerika na nahatulan ng falsification of business records para itago ang naging ugnayan nito sa pornstar na si Stormy Daniels.

Sa report ng isang magazine sa New York, binigyan umano ni Trump ng $130,000 si Daniels upang walang makaalam na mayroong nangyari sa kanila dahil makakaapekto ito ng malaki sa pangangampanya para sa Presidential Election.


Nakatakdang sentensyahan ng pagkakakulong si Trump sa July 11 – bago ang Republican National Convention sa Milwaukee, kung saan nakatakda sanang tanggapin ni Trump ang pormal na nominasyon ng partido na humarap kay Democratic President Joe Biden sa darating na halalan.

Nahaharap din si Trump sa mga kaso ng pederal at pakikipagsabwatan upang baligtarin ang mga resulta ng halalan noong 2020 na napanalunan ni Biden, at para sa pagtatago ng mga secret documents pagkatapos nitong umalis sa White House.

Facebook Comments