DONASYON | 100 body cameras, ibinigay ng Grab sa MMDA

Manila, Philippines – Isandaang (100) body cameras ang ibinigay ng Grab Philippines sa MMDA.

Nagkakahalaga ito ng kabuuang isang-milyong piso, may “high resolution” at kayang mag-rekord ng hanggang 12 oras.

Pero paglilinaw ni MMDA Chairman Danny Lim – sa kabila ng donasyon ay hindi bibigyan ng special treatment ang grab lalo na kung masangkot ito sa paglabag sa batas-trapiko.


Bukod sa Grab, marami pang mga pribadong grupo ang tumutulong sa mmda sa kagustuhang maibsan ang tindi ng traffic sa kamaynilaan.

Umaasa naman ang ahensya na ngayong taon, mabibigyan na ng body camera ang lahat ng kanilang 2,000 traffic enforcers.

Facebook Comments