PATAY | Pulis, pinagbabaril habang nakikipag-inuman sa Antipolo City

Antipolo – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Antipolo City.

Kinilala ang 32-anyos na biktima na si PO3 Don Carlo Mangui, naka-assign sa PNP- Crime Laboratory Headquarters.

Ayon sa Rizal Provincial Police Office – ala-1:45 kaninang madaling araw nang tinambangan si Mangui ng hindi pa nakilalang suspek sa harap ng kanyang dating bahay sa Chico Street, Purok Sumulong sa Barangay Dela Paz.


Bumisita lang daw sa lugar ang biktima.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen.

Facebook Comments