DONASYON | Counter terrorism operations equipments, ibinigay ng US military sa Philippine Marines

Manila, philippines – Nag-donate ang United States Military ng mga Counter Terrorism Operations equipments sa Philippine Marines.

Sa press release na inilabas ng US Embassy 525 sets ng ballistic vests, lightweight ballistic plates, tactical ballistic helmets, at accessories ang ibinigay ng US military sa Philippine Marine Special Operations Group (MARSOG) at Inshore Boat Battalion na aabot sa halagang 178 milyong piso.

Ibinigay ng US sa Philippine Marines ang mga equipment na ito sa pamamagitan ng Counterterrorism Train and Equip Program.


Batay sa impormasyon ng US embassy makakatulong ang mga equipment na ito sa pagpapaangat ng kakayanan ng mga sundalo partikular ng Philippine Marines sa pagsasagawa ng counterterrorism operations, maging operasyon laban sa nga transnational threats, partikular sa bahagi ng Southern Philippines.

Tiniyak naman ng Amerika na magpapatuloy ang pagsuporta nila sa Armed Forces of the Philippines upang matulungan ang long term modernization program ng AFP.

Facebook Comments