DONASYON | MPD, tumanggap ng limang SUV na donasyon ng Japanese government

Manila, Philippines – Tinanggap na ng pamunuan ng Manila Police District ang 5 Units ng Mitsubishi Montero na bahagi ng sanlibong mga SUVs na donasyon ng Japanese government sa Philippine National Police.

Pinabendisyunan na rin ang limang sasakyan na ang apat ay ipamamahagi sa MPD Station 4, 5, 8 at 9.

Ayon kay Police Senior Inspector Albert Bucal, ang Deputy Spokesman ng MPD Public Information Office, bukod sa 5 Montero ay may darating pang 5 Toyota Innova sa MPD ngayong buwan ng Pebrero na bahagi rin ng donasyon ng Japanese government.


Paliwanag ni Bucal na sa Marso at Abril, inaasahang pagkakalooban naman ng PNP ng mga baril at body camera ang mga operatiba ng Manila Police District na gagamitin sa kanilang operasyon na may kinalaman sa iligal na droga.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga sasakyan, armas at body camera ay gagamitin sa pinaigting na pagbabalik ng Oplan Tokhang ng pambansang pulisya.

Facebook Comments