BIRO LANG? | Napaulat na paglisan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa DOLE, fakes news lamang ayon sa kalihim

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang napaulat na lilisanin na nito ang DOLE bilang paghahanda na rin umano sa kanyang pagtakbo bilang Senador sa 2019.

Ayon kay Bello fake news o nagbiro lamang ang Pangulong Rodrigo Duterte ng sabihin nito sa harap sa mga leader ng iba’t ibang Lumad group sa Davao na siya ay aalis na bilang kalihim ng DOLE.

Paliwanag ni Bello marami pa siyang dapat na iprayoridad at tatapusing trabaho sa Kagawaran kung saan ay patuloy na kumikilos at tinututukan ngayon ng DOLE ang imbestigasyon ng tunay na kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker’s sa Kuwait.


Giit ng kalihim uunahin muna nito ang problema ng mga OFW sa Kuwait bago ang sarili nitong ambisyong tatakbo bilang isang mambabatas.

Facebook Comments