Donasyon na food truck, tinanggap na ng PRC

63

Pinangunahan ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Senator Richard Gordon ang pagtanggap ng food truck bilang donasyon mula sa Isuzu Philippines Corporation, Inteco, at Truckmaster.

Ginawa ang ceremonial turn over ngayong hapon sa headquarters ng PRC sa Mandaluyong.


Ayon kay Gordon, ang Isuzu, Inteco, at Truckmaster ang pumili sa PRC bilang kanilang beneficiary.

Aniya, ang nasabing donasyon ay makakatulong sa PRC upang maging maayos at mapadali ang pagbibigay nila ng pagkain sa mga nasalanta ng kalamidad.

Maliban sa bagong food trucks, sinabi ni Gordon na meron na ring mga food trucks sa Catanduanes, Camarines Sur, at Cagayan.

Facebook Comments