Donasyon para sa mga napatay at sugatang sundalo – patuloy na nadaragdagan

Marawi City – Ibinida ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na malaki na ang nalikom na pera ng pamahalaan para makatulong sa mga sundalo na napatay at nasugatan sa bakbakan sa Marawi City at para sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan doon.

Sinabi ni Abella na umabot na sa mahigit 2.6 million pesos ang nalikom pondo para sa mga pamilya ng mga napatay at nasugatang sundalo.

Umabot naman aniya ng mahigit 600 libong piso ang pondong nalikom para sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan.


Matatandaan na nagbigay ng babala ang Malacañang sa publiko laban sa mga mapagsamantala na mangingikil ng pera na para umano sa mga sundalo at mga residente ng Marawi City.

Facebook Comments