Hinihintay na lamang ng Pilipinas ang donasyon ng mas maraming doses ng Sinopharm COVID vaccine na gawa sa China.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, kabilang dito ang donasyong 1 milyong doses ng Sinopharm na nitong lamang Hunyo nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA).
Gagamitin ang mga bakuna upang makatulong sa programang pagbabakuna ng pamahalaan.
Ilan sa mga bakunang ginagamit na sa bansa ay ang; Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at ang Sputnik V.
Ang bakuna rin ng Sinopharm ang itinurok kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong gamitin sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Facebook Comments