Donnie Nietes, nasa Hong Kong na para sa nalalapit na laban

Dumating na sa Hong Kong si Three-Division Boxing World Champion Donnie “Ahas” Nietes ilang araw bago ang laban nito kontra Japanese boxer Kazuto Ioka.

Pagdating sa Hong Kong, sumabak agad si Nietes sa training kung saan nais niya makakuha din ng world title bago matapos ang taon tulad nina Welterweight World Champion Manny Pacquiao at WBA Super Bantamweight Champion Nonito Donaire.

Matatandaan na huling lumaban si Nietes noong September sa kapwa Pinoy na si Aston Palicte pero nagtapos sa draw ang kanilang bakbakan.


Pag-aagawan naman ni Nietes at Ioka ang WBO Super Flyweight World Championship sa darating na December 31 sa Wynn Palace Cotal sa Macau.

Facebook Comments