
Nakipag-usap na ang Land Transportation Office o LTO sa mga delivery services at courier para sa delivery ng mga plaka ng sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Asec. Marcus Lacanilao, gusto kasi nilang door-to-door na ang pag-deliver ng mga plaka ng sasakyan para mas convenient sa mga may-ari ng sasakyan.
Isa rin umano itong paraan para makaiwas sa mga fixers na kumikita sa pamamagitan ng pagkuha ng mga plaka ng sasakyan at ide-deliver sa mga may-ari.
Kasunod nito, hinikayat din ni Lacanilao ang mga may-ari ng sasakyang wala pang plaka na kumuha ng authorization sa LTO para magamit pa rin nila ang kanilang mga sasakyan habang hinihintay ang kanilang mga plaka.
Kung maalala, sinuspindi ng LTO ang no plate, no travel policy na epektibo na sana sa Nobyembre 1, 2025 para mabigyan ng sapat na panahon ang mga motoristang kumuha ng plaka habang isinasaayos ang sistema sa pamamahagi ng plate number.









