Dating PNP Chief Acorda, nanumpa na sa pwesto bilang bagong PAOCC Undersecretary

Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr. bilang bagong undersecretary ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Malacañang.

Si Acorda ay nagsilbing ika-29 na PNP chief mula Abril 2023 hanggang Abril 2024 at naging PNP Director for Intelligence, at Regional Director ng Police Regional Office X sa Northern Mindanao.

Isa rin siya sa mga nagtayo ng PNP Anti-Cybercrime Group at humawak ng ilang mahalagang posisyon sa hanay ng kapulisan.

Papalitan ni Acorda si Gilbert Cruz, na nagsilbi bilang PAOCC undersecretary noong Enero 2023.

Ang PAOCC ay itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 295 noong 2000 at may tungkuling mag-imbestiga at magsagawa ng operasyon laban sa mga sindikato at tiwaling opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments