Ilulunsad na sa susunod na Linggo ang Nationwide Vaccination Program kontra Polio.
Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, dumating na sa bansa ang ‘Monovalent Vaccines’ para sa Type-2 Poliovirus mula sa Headquarters ng World Health Organization (WHO) sa Geneva, Switzerland.
Ang mga bakuna ay kasama sa door to door supplemental Vaccination kontra Polio mula October 14 hanggang 27 na isasagawa sa Metro Manila, Marawi, Laguna, Lanao Del Sur, Davao City, at Davao Del Sur.
Target ng DOH na mabakunahan ang mga bata may edad limang taong gulang pababa.
Tiniyak ng ahensya na walang overdose sa Anti-Polio Vaccines kahit may mga nabigyan na ng paunang immunization shots.
Facebook Comments