DOPING VIOLATION | Japanese athlete, sinuspinde sa Pyeongchang Winter Olympics

89

WINTER OLYMPICS – Sinuspinde muna sa Pyeongchang Winter Olympics ang isang Japanese Speed Skater dahil sa doping volation.

Ayon sa Court of Arbitration for Sport bagsak sa isinagawang doping test si Kei Saito na nagpositibo sa paggamit ng Acetazolamide, isang uri ng diuretic drug na gamot sa altitude sickness.

Lalahok sana ang Japanese Athlete sa Men’s 5,000 Relay mamayang gabi.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may sinuspindeng atleta sa Winter Olympics.

Facebook Comments