Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante sa mga dapat at hindi dapat gawin sa botohan para sa nalalapit na midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – kailangang ma-shade ang mga bilog o oval ng buo o 100% upang mabasa ng makina.
Wala rin dapat sinusulat ang botante sa alinmang parte ng balota dahil posibleng masira ang invisible security marks nito.
Binigyang diin pa ni Jimenez – mayroon lamang limitadong bilang ng kandidato at iwasang lumagpas sa itinakdang bilang o over-vote.
Mas maigi rin aniyang kilalanin din ng husto ng mga botante ang mga kandidatong kanilang iboboto.
Facebook Comments