Aminado ang Department of Science and Technology (DOST) na nasa 10% lamang ng research proposals ang kaya nilang pondohan para sa susunod na taon.
Ayon kay Science Undersecretary Rowena Guevarra, nakatanggap na sila ng kabuuang 888 research proposal na nangangailangan ng ₱7.5 billion na financial requirement, pero 10% lamang dito ang mapopondohan.
Sinabi rin ni Guevarra, nasa ₱76 million ang tinapyas na budget para sa research and development institute ng ahensya.
Mula aniya sa ₱2.488 billion ngayong taon ay nasa ₱2.411 billion sa 2021.
Umaasa ang DOST na papahintulutan ng mga mambabatas na dagdagan ang budget para sa research and development sa ilalim ng proposed 2021 national budget.
Nabatid na nasa ₱23.89 billion para sa DOST sa susunod na taon.