Sa pakikipagtulungan ng World Food Programme, ang Department of Science and Technology-ARMM ay namahagi ng 15 units ng Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station (STARBOOKS) sa mga eskwelahan at local government units sa Maguindanao.
Sinabi ni DOST-ARMM designated assistant secretary Dr. Norma Dalamban, sa pamamagitan ng digital library ay magiging available ang science and technology materials sa mamamayan na nasa liblib na lugar na limitado ang information resources, walang silid-aklatan at walang access sa internet.
Ang STARBOOKS at natatanging research kiosk na naglalaman ng libu-libong digitized science and technology resources na nakasulat, nasa video and audio formats mula sa DOST archive —kung saan tampok ang mga paksa hinggil sa food and nutrition, health and medicine, energy, environment, livelihood technologies at marami pang iba.
Prayuridad umano ng regional government na maging accessible sa publiko ang science and technology information lalo na sa malalayong lugar.(photo credit:bpiarmm)
DOST-ARMM, namahagi ng starbooks sa mga eskwelahan at LGUs sa Maguindanao!
Facebook Comments