Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng pag-uusap sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Metal Industry Research and Development Center (MIRDC) ng ahensya.
Ito ay para gawing alternatibong transportasyon ang Hybrid Electric Road Train (HERT).
Iprinisenta ang feasibility study ng Isabela State University-Cauayan Campus kaugnay sa HERT kung saan nagresulta ng malaking hindi pagpayag sa pagbyahe sa mga nakaraang buwan, inaasahan din kasi ang malaking demand ng transportasyon sakaling bumalik sa normal ang sitwasyon kung saan kinakailangan din na makapagbigay dekalidad at abot-kayang pagbiyahe sa lalawigan.
Inihayag naman ni Engr. Rommel N. Coroña, Supervising Science Research Specialist ng DOST, maganda aniya ang locally fabricated na sariling gawa kung saan matitiyak ang lakas, kahusayan,kaligtasan at pagiging environmental-friendliness ng “Road Train In Action” kung ikukumpara sa iba pang conventional railway systems na base sa technology demonstrations na kanilang ginawa sa ibang probinsya noong mahati sa apat na cluster.
Bukod dito, ibinahagi din ni Engr. Christian Lidon, isa sa mga designer’s ng HERT kung saan ang inisyal na road lane design ay infrastructure-wise dahil sa hybrid road train na magagamit sa mga iba pang daan at kanyang iginiit na hindi kailangan ang dagdag na imprastraktura kundi ang dagdag na daan para dito.
Pinuri naman ni Provincial Planning and Development Coordinator Atty. Eduardo Cabantac ang disenyo sa pagiging PUV-friendly.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Governor Rodito Albano III ang kanyang pasasalamat sa DOST para sa pagpili bilang pilot province para sa makabagong proyekto pangunahin na ang transportasyon sa mga darating pang taon.
Iminungkahi rin nito na dapat nakasama sa ginawang pag-aaral ang posibleng epekto ng road train sa mga PUV drivers at operator’s kung saan ang kanilang operasyon ay sa mga iminungkahing ruta ng nasabing teknolohiya.