DOST, hihintayin ang efficacy at safety data bago gawin ang vaccine trials sa mga menor de edad

Iginiit ng Department of Science and Technology (DOST) na tanging mga edad 18-anyos pataas ang papayagang lumahok sa vaccine trials sa bansa.

Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Christina Guevarra, ang pagkakaroon ng preliminary data ay mahalaga bago i-expand ang vaccine trial sa mas batang age group.

Hindi pa rin pinapayagan ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) na sumali sa vaccine trials ang mga edad 17-anyos pababa dahil sa mga sumusunod na kadahilanan.


Ang pangangatawan o physique ng adults ay mas developed na kumpara sa mga bata.

Bukod dito, ang mga 18-anyos pataas ay mayroong ethical at legal consent para sa kanilang partisipasyon sa vaccine trials.

Mahalaga ring magkaroon ng katanggap-tanggap na efficacy at safety data bago i-expand ang vaccine trials sa mga menor de edad.

Sa ngayon, ang China, United Kingdom, Estados Unidos, at iba pang bansa ay nagsasagawa na ng vaccine trials sa mga edad 17-anyos pababa.

Facebook Comments