Mariing pinabulaanan ng Department of Science and Technology (DOST) na sangkot sila sa cyberattacks sa alternative media.
Ito ang pahayag ng DOST kasunod ng mga ulat na ang Internet Protocol (IP) address na ginamit para sa cyberattacks sa ilang media ay natunton sa ahensya.
Batay kasi sa report ng Sweden-based digital forensic group na Qurium Media Foundation, tinarget ng DOST at Philippine Army ang news websites na Bulatlat at Altermidya, maging ang human rights group na Karapatan.
Ayon sa DOST, “unfounded” at “patently false” ang mga ulat.
Binigyang diin ng kagawaran ang mahalagang papel nila sa information and communications technology management ng pamahalaan.
“As part of DOST’s responsibility and mandate in terms of ICT management, DOST-ASTI (Advanced Science and Technology Institute) is part of a larger government network and DOST-ASTI assists other government agencies by allowing the use of some of its IP addresses in the local networks of other government agencies,” sabi ng DOST.
Pagtitiyak ng DOST na nananatili silang commited para sa pagpapaunlad ng bansa at maglingkod sa mga Pilipino, sa tulong ng siyensya.
Para naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman patas para i-ugnay ang government agencies sa mga cyberattack laban sa ilang news websites habang may isinasagawang imbestigasyon na para rito.