DOST, naghahanda na sa posibleng clinical trial ng Lagundi at Tawa-tawa bilang panlaban sa COVID-19

Naghahanda na ang Department of Science and Technology (DOST) sa posibleng clinical trial ng Lagundi at Tawa-tawa na potensyal na maging gamot laban sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ito ay matapos na makitaan nila ng antiviral properties ang Lagundi at Tawa-tawa.

Ayon kay Dela Peña, maging siya ay napatunayan ang bisa ng Tawa-tawa nang humina ang kanyang resistensya.


Nauna na ring isinalang sa clinical trial ang Virgin Coconut Oil matapos itong aprubahan ng Food and Drug Administration.

Ayon kay Dela Peña, sabay-sabay na isinasagawa ang clinical test ng VCO sa mga COVID-19 patients sa Philippine General Hospital sa Maynila at Santa Rosa Community Hospital sa Laguna, habang may In-Vitro trial sa laboratoryo sa Singapore.

Sa ngayon ay nasa halos limang daang medicinal plants ang inaaral sa ilalim ng Tuklas Lunas Program ng DOST kung saan dalawamput dalawa na rito ang nakuhanan ng active ingredients.

Facebook Comments