Aminado ang Department of Science and Technology (DOST) na nagkaroon ng kalituhan sa kung sino ang kinatawan ng Sinopharm sa Pilipinas.
Ito ay kasabay ng pagtalakay sa pagsasagawa ng clinical trials ng Chinese vaccine sa bansa.
Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, nagkaroon ng initial discussion sa pagsasagawa ng clinical trials, pero iginiit ng Pilipinas na ang Chinese pharmaceutical firm ang popondo nito.
Aniya, hindi tumugon ang Sinopharm hinggil dito.
Dagdag pa ni Dela Peña, tinanong nila ang Sinopharm kung sino ang kinatawan nila sa Pilipinas at humingi pa sila ng tulong sa Philippine Embassy sa China para rito.
Iginiit naman ni Senator Panfilo Lacson, hindi naman pwedeng ang kumpanya lamang ang gagastos sa clinical trials, dapat may kolaborasyon ito sa pamahalaan.