DOST, nangangailangan ng mas maraming sample para matukoy kung mayroon na sa Pilipinas ng new variant ng Coronavirus

Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na kailangan nila ng mas maraming samples mula sa mga pasyenteng may COVID-19 para malaman kung nasa Pilipinas na ang bagong variant ng Coronavirus.

Ito ay matapos magpositibo ang isang Filipino mula Cagayan sa nasabing uri ng Coronavirus ilang araw paglakapag nito sa Hong Kong.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, mas maganda kung makakakolekta sila ng 700 samples kumpara sa kasalukuyan nilang nakukuha na 350 samples.


Kasabay nito, tiniyak din ni Dela Peña na hindi sila mahihirapan sa pag-identify ng new variant ng Coronavirus basta’t kumpleto sa kagamitan ang Philippine Genome Center.

Samantala, lumabas sa pag-aaral ng Pfizer Inc., at University of Texas Scientists na epektibo ang kanilang bakuna bilang panlaban sa new variants ng Coronavirus na nadiskubre sa United Kingdom at South Africa.

Facebook Comments